Silid (Part 1)

“Hello. Nakausap mo na ba?”

Ito ang unang bumati sa akin nang sinagot ko ang tawag sa aking telepono. Pinilit kong sinilip ang orasan sa aking kwarto: 6:05AM.

“Uy ano? Nakausap mo na ba?” Tinanong niya ulit ako, ngulit wala parin akong masagot. Dahan-dahan akong umupo sa kinahihigaan ko para tingnan ang kabilang bahagi ng kama. Mukhang maayos. Masyadong maayos; na para bang may taong gumugol ng oras para itiklop at ituwid ang bawat gusot; na para bang wala pa ni kailanmang humiga sa bahaging iyon ng kama”.

“Uy… Ano na?”

“Nakaalis na siya…” Iyan lang ang nasabi ko. Narinig ko ang kanyang malalim na hininga sa kabilang linya. Hindi ko alam kung naintindihan niya ang lungkot sa aking boses. Tumitig na lang ako sa patay na telebisyon.

“Alam mo, maayos niyo naman ‘yang problema ninyo eh. Basta kausapin mo siya. Huwag ka nang magtago ng nararamdaman mo kasi dapat sinasabi mo talaga ‘yan sa kanya. Alam mo naman iyon eh, ipa-intindi mo lang. Sa tingin ko maliit lang naman na problema ‘yan eh. Nalagpasan ninyo nga ang mga mas malalaking…”

Ngunit hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi na ako makapag-isip. Hindi ko masabing iba ito. Iba na ngayon. Dahan-dahang gumala ang aking paningin sa mga nawawala sa kwarto. Kulang na ang mga nakahilerang sapatos sa may pintuan. Mag-isa na lang ang naghihintay na pares ng tsinelas sa labas. Wala na ang mga paborito mong hikaw na tinatago mo sa ilalim ng iyong unan. Wala nang nakakalat sa aking mesa kung hindi ang iniwan mong susi ng ating silid. Aking silid.



“Hello? Nakikinig ka pa ba? Sige ka. ‘Pag hindi ka nagsalita, iiwan ka niyan. Balitaan mo na lang ako, ha? Bye.”



Pinutol na niya ang tawag at ako’y naiwang pinapanood ang kwarto kong kulang-kulang na.

Kulang ka.

Advertisements
Silid (Part 1)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s